Home NATIONWIDE PCG umaasa sa int’l support para solusyunan ang WPS issue

PCG umaasa sa int’l support para solusyunan ang WPS issue

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules na malulutas ang territorial dispute ng bansa sa China sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng pagtutulongang suporta mula sa international community sa pamamagitan ng patuloy na transparency efforts.

Sa isang press conference sa PCG WPS Transparency Office sa Maynila, sinabi ni Commodore Jay Tarriela na ang transparency strategy na pinagtibay ng gobyerno laban sa agresyon ng China  ay higit na matagumpay sa pagkamit ng mga layunin nito.

Bilang karagdagan sa pagtutulongang suportang internasyonal, sinabi ni Tarriela na ang kanilang transparency efforts ay bumuong kamalayan sa mga Pilipino.

“With the current survey results, they are saying that more than 70 percent now support the approach of the Philippine government in the WPS,” sabi ni Tarriela.

Gayunman, sinabi ni Tarriela na ang transparency o diplomatic efforts ng gobyerno sa ngayon ay hindi epektibo sa pagpigil sa China na pumili ng mga mapanuksong aksyon sa WPS.

“Whatever strategy you choose, China would still choose to do provocative actions in the WPS,” saad ng PCG official.

Batay sa kuha ng PCG ng banggaan sa pagitan ng BRP Sindangan (MRRV-4407) at CCG (Chinese Coast Guard) vessel 21555, sinabi niya na ang insidente ay maaaring sinadya ng China. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePetisyon kontra PUV Modernization ibinasura ng SC
Next articleSitcom ng DongYan, magsi-season break o masisibak na?