Home NATIONWIDE Petisyon kontra PUV Modernization ibinasura ng SC

Petisyon kontra PUV Modernization ibinasura ng SC

MANILA, Philippines – Wala ng hadlang sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program” (PUVMP).

Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court (SC) ang petition na humihiling na mapawalang bisa ang PUV Modernization Program ng Department of Transportation’s (DOTr).

Sa desisyun na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, idinismis ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari and prohibition ng Bayyo Association, Inc. (Bayyo) at Anselmo D. Perweg, Pangulo ng Bayyo na kumakatawan sa
430 jeepney operators at drivers.

Sinabi ng Korte na upang resolbahin nito ang ligalidad ng isang batas o governmental act kailangan makatugon ito sa legal requisites.

“(a) there must be an actual case or controversy calling for the exercise of judicial power; (b) the person challenging the act must have the standing to question the validity of the subject act or issuance; (c) the question of constitutionality must be raised at the earliest opportunity; and (d) the issue of constitutionality must be the very lis mota of the case.”

Ayon sa SC nagkulang ang petisyun sa ikalawang requisite dahil wala silang legal standing para maghain ng kaso.

Nabigo ang Bayyo na magsumite ng patunay na ito ay lehitimomg asosasyon ng mga PUJ operators at drivers.

Bagaman inilakip ng Bayyo ang kanilang Certificate of Registration na inisyu ng Securities and Exchange Commission, isa lamang itong patunay na rehistrado ang naturang grupo ngunit hindi ito patunay na ang mga miyembro ay tunay na PUJ operators at drivers.

Sa rekord ng kaso, naglabas ang DOTr ng DO No. 2017-011 na nagtatakda ng bagong
vehicle specifications, franchise issue procedures, at bagong kasanayan sa mga public utility buses (PUBs), mini-buses, public utility jeepneys (PUJs), utility vehicle (UV) express services, Filcab services, school services, taxi services, transportation network vehicle services (TNVS), tourist transport services, at shuttle services.

Kinuwestyon ng Bayyo ang DO No. 2017-011 dahil hindi umano ito balido at labag sa batas ang paragraph 5.2 ng DO No. 2017-011 dahil tinatapakan nito ang karapatan sa due process and equal protection clauses ng konstitusyon.

Iginiit ng grupo na dahil sa naturang probisyon ay magdudulot ito ng phaseout at replacement ng mga lumang PUVs.

Gayunman sinabi ng SC na ang pagdeklara kung ang DO No. 2017-011 ay anti-poor at ipagkakait sa mga PUJ operators at drivers ang kanilang source of livelihood ay dapat resolbahin muna ng mababang korte dahil ito ay mga ‘factual questions’.

“These factual issues should have been first brought before the proper trial courts or the Court of Appeals, both of which are specially equipped to try and resolve factual questions.” Teresa Tavares

Previous article170 nasunugang pamilya inayudahan ng Las Pinas LGU
Next articlePCG umaasa sa int’l support para solusyunan ang WPS issue