Home METRO DavOr sapul ng 2 magkasunod na lindol

DavOr sapul ng 2 magkasunod na lindol

MANILA, Philippines- Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ng Phivolcs ang 5.0-magnitude na lindol ng alas-4:19 ng madaling araw na ang epicenter ay 58 kilometers (km) northeast ng Baganga, Davao Oriental. 

Anito, naganap ang tectonic na lindol sa lalim na 17 kilometers.

Itinuturing ang pagyanig, na inisyal na naitalang magnitude 5.3, na “weak” sa Intensity III sa Lingig, Surigao del Sur, habang “slightly felt” sa Intensity II sa City of Bislig, Surigao del Sur. 

Naiulat din ng Intensity I (scarcely perceptible) sa City of Tandag, Surigao del Sur at City of Cabadbaran, Agusan del Norte. 

Samantala, nakapagtala rin ng isa pang lindol na magnitude 4.8 pagsapit ng alas-5:39 ng madaling araw, na natukoy din sa Davao Oriental. Inisyal itong naitala sa 5.1-magnitude. 

Natukoy ng Phivolcs ang epicenter nito 70 km northeast ng Baganga, at may lalim na 14 km. RNT/SA

Previous article2 Pinoy patay sa Houthi missile attack sa Yemen
Next articleAlexa, super flex kay KD!