Home ENTERTAINMENT Alexa, super flex kay KD!

Alexa, super flex kay KD!

Manila, Philippines- Sa kanyang Instagram post, inilarawan ni Alexa Ilacad ang kanyang ka-loveteam na si KD Estrada.

Post niya tungkol sa binata,“In a world of boys, he’s a gentleman.”

Ibinandera rin ni Alexa ang appreciation post kalakip ang picture ni KD na may hawak na bouquet of roses.

“Appreciation post for the best travel buddy, human calculator, navigator, masterchef, gift-giver, listener, problem-solver, and just the best guy in general,” caption niya.

Kasabay niyan ay ikinuwento ni Alexa kung paano siya inalagaan nang mabuti at ilang beses na sinorpresa ng aktor habang sila ay nasa Japan trip, lalo na’t buwanang-dalaw niya.

“Little story time behind these photos. It was my Eras Tour day & he knew how nervous, pre-occupied and excited I was.

“So as I was getting ready, he surprised me by packing my backpack with onigiris, heat packs & got me flowers just because…

“While I was watching the show, he fell in line for merch and surprised me with hoodies coz he knew I’d be cold,” chika niya.

Sinabi rin ni Alexa na isa siyang independent woman hanggang sa dumating sa kanyang buhay si KD.

“I swear I was an independent woman until you came along, what have you done.

“Kidding aside, I just wanna say thank you,” mensahe niya sa ka-love team. Rommel Placente

Previous articleDavOr sapul ng 2 magkasunod na lindol
Next articlePAGASA naglabas ng La Niña Watch alert