Home NATIONWIDE PAGASA naglabas ng La Niña Watch alert

PAGASA naglabas ng La Niña Watch alert

MANILA, Philippines- Nag-isyu ang state weather bureau PAGASA nitong Huwebes ng La Niña Watch alert sa nagbabadyang pag-iral ng phenomenon sa Hunyo.

Sa isang press conference, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Solis na ang naabot ang criteria para sa La Niña Watch sa ilalim ng El Niño-Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System ng bureau.

“Ngayon po ay na-satisfy yung established criteria ng PAGASA ENSO Alert System na kung saan La Niña Watch is being issued today because there is still a probability of more than 55% in the next six months,” pahayag niya.

Ani PAGASA administrator Nathaniel Servando, posibleng umiral ang La Niña sa Hunyo subalit mararanasan ang epekto nito sa huling bahagi ng taon.

“Naglabas din kami ng La Niña Watch dahil nakikita natin na mataas ang posibilidad more than 50% na mag-develop ang La Niña sa buwan ng Hunyo. Subalit ang epekto ng La Niña ay inaasahan pa sa later part of this year,” pahayag niya.

Ang La Nina ay karaniwang mayroong “unusually cooler than average sea surface temperatures (SSTs) in the central and eastern equatorial Pacific (CEEP),” base sa PAGASA.

Karaniwang iniuugnay ang La Niña sa above normal rainfall conditions, wika ng PAGASA. Kabilang sa nakaambang epekto nito ang pagbaha at pagguho ng lupa sa vulnerable areas, dagdag nito.

Ayon kay Servando, inaasahan ang mas kaunting pag-ulan tuwing Habagat season.

Kaya naman, posible ang bahagyang pagkaantala sa pagsisimula ng tag-ulan sa pinagsamang epekto ng umiiral na El Niño, anito pa. RNT/SA

Previous articleAlexa, super flex kay KD!
Next articleExcavation para sa Metro Manila Subway Project CP101 North Avenue Station aarangkada na