Home IN PHOTOS Excavation para sa Metro Manila Subway Project CP101 North Avenue Station aarangkada...

Excavation para sa Metro Manila Subway Project CP101 North Avenue Station aarangkada na

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Ininspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista kasama ang iba pang opisyal nitong Huwebes ang kasalukuyang estado ng Metro Manila Subway Project CP101 North Avenue Station, kung saan nakatakdang simulan ang excavation ngayong buwan gamit ang Tunnel Boring Machine (TBM).

Inaasahang tatagal ang paghuhukay ng 12 buwan bago umabot sa Tandang Sora Station. Ang Metro Manila Subway Project ay inisyatiba ng pamahalaan saklaw ang 33km na may 17 istasyon, na kauna-unahang mass underground transport system ng bansa. Danny Querubin

Previous articlePAGASA naglabas ng La Niña Watch alert
Next articleSuspensyon ng 139 NFA execs ‘safe measure’ kontra maling gawain – PBBM