Home NATIONWIDE 2 puganteng nasa Interpol notice naharang sa NAIA

2 puganteng nasa Interpol notice naharang sa NAIA

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang pugante na kabilang sa listahan ng
International Criminal Police Organization (Interpol) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes, Nobyembre 23.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, ang mga pasahero na isang Korean at Chinese ay nahuli sa magkahiwalay na pagkakataon sa NAIA Terminal 3 matapos na madiskubre na wanted ang mga ito sa database ng Immigration ng mga taong inilagay sa ilalim ng Interpol red notice.

Kinilala ang mga ito na sina Li Su Bin, isang Korean national na naharang matapos magtangkang sumakay sa flight patungong Seoul.

Kalaunan ay pinayagan itong makasakay matapos na abisuhan ng BI ang counterpart nito sa kanyang pagdating sa Korea. Naaresto si Li sa Incheon Airport.

Ayon sa BI, inisyu ang arrest warrant kay Li sa Seoul dahil sa kaugnayan nito sa investment scam.

Siya ay hinihinalang miyembro ng investment fraud organization na nakabase sa Laos at nambibiktima para mag-invest ng pera sa crypto currencies at stocks.

Samantala, na-offload naman ang Chinese passenger na si Yao Bin mula sa kanyang Malaysia-bound flight.

Siya ay kasalukuyang naka-detain sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City bago ang kanyang deportation.

Anang BI-Interpol, si Yao ay miyembro ng cybercrime syndicate na sangkot sa pag-ooperate ng ilang gambling websites. RNT/JGC