Home NATIONWIDE Bagong dams, river projects sa Cagayan Valley pinamamadali ni PBBM vs mga...

Bagong dams, river projects sa Cagayan Valley pinamamadali ni PBBM vs mga pagbaha

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madaliin ang kanyang mga priority projects gaya ng ‘flood control structures, irrigation systems, at rehabilitation initiatives’ sa mga pangunahing river basins at dams para mabawasan ang pagbaha sa Cagayan Valley.

“To all government agencies and the local government units, complete these projects to ease the danger and adverse effects brought by floods,” ang sinabi ng Pangulo.

Sa pagsasalita sa 5,000 mga manonood sa Ilagan Community Center sa nasabing lalawigan, sinabi ni Pangulong Marcos na ang isang pangunahing flood mitigation project na malapit nang matapos ay matatagpuan sa Pinacanauan de Tumauini River sa Cagayan. Kilala rin bilang Tumauini River Multipurpose Project, inaasahan din na mapapatubig nito ang 8,200 ektarya ng agricultural land at mapakikinabangan naman ng 5,860 lokal na magsasaka.

Tinukoy din ng Pangulo ang ‘retrofitting works’ sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

Tinukoy din ng Pangulo ang Balasig Small Reservoir Irrigation Project, pinaniniwalaan niyang makadaragdag at makatutulong sa flood mitigation o ang pamamaraan nang mabilisang pagpapatupad ng magkaka-agapay na proyekto, upang mabawasan kundi man mapigilan, ang pagbaha na dulot nang nagsisipasok na super typhoon sa bansa halos taun-taon at makapagbibigay ng irrigation water sa hilagang bahagi ng Isabela sa pamamagitan ng Balasig River.

Nagpapatuloy din ang Tuguegarao Circumferential Dike Road Project, hangad na proteksyunan ang mga taga-nayon sa pamamagitan ng gawing matatag ang riverbank soil at itaas ang drainage capacity ng ilog.

Ang Flood control structures sa kahabaan ng Cagayan River, lalo na sa Barangay Anao, Roxas, Isabela; at Sta. Maria, Isabela ay kompleto na.

Sinabi pa rin niya na susuriin niya at ng mga opisyal ng national government ang master plans para sa mga pinakamahalagang river basins sa bansa.

“At present, we are studying the master plans for the major river basins in the country, such as the Cagayan River Basin,” anito.

Samantala, ipinag-utos naman ng Pangulo sa public works at irrigation agencies, bukod sa iba pa na kompletuhin at tapusin na ang disaster mitigation projects sa Cagayan Valley para matugunan ang pagbaha na nagsisilbing salot sa rehiyon. Kris Jose