MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Social Welfare and Development-Bicol (DSWD-5) na nakapamahagi na ito ng P79 milyong halaga ng relief assistance sa mga pamilya na apektado ng Super Typhoon Pepito sa anim na probinsya.
Naipamigay na nito ang nasa 96,247 family food packs at 580 non-food items sa 98,277 pamilya sa
Albay, Masbate, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.
Nasa 36,870 pamilya o 134,102 indibidwal ang nananatili pa rin sa 961 open evacuation centers at 19,659 pamilya o 71,491 indibidwal ang tumutuloy sa mga kaanak.
Iginiit ni DSWD-5 Regional Director Norman Laurio ang patuloy na koordinasyon ng ahensya sa mga local government unit para mapabilis ang resources at masiguro ang epektibong distribusyon ng tulong sa mga lugar na lubhang apektado.
Sa Catanduanes, nasa 36,600 pamilya ang nakatanggap ng 36,200 FFPs at 250 NFIs, na nagkakahalaga ng P28.41 milyon.
“The distribution of family food packs and essential relief aid to affected families and communities remains our priority and is being actively executed across the region,” ani Laurio kasabay ng media forum.
“The strategy ensures the swift delivery of relief assistance to affected communities during emergencies. By strategically positioning family food packs in vulnerable areas like Catanduanes, we can promptly provide support to families during typhoons and other disasters,” dagdag ni Laurio. RNT/JGC