Home NATIONWIDE Police chief ng Central Visayas, bagong hepe ng NCRPO

Police chief ng Central Visayas, bagong hepe ng NCRPO

MANILA, Philippines – Itinalaga si Police Regional Office 7 Director Brig. Gen. Anthony Aberin bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa special order nitong Biyernes, Nobyembre 22, itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil si Aberin bilang NCRPO Acting Regional Director epektibo ngayong araw, Nobyembre 23.

Si Aberin ay naglingkod bilang Central Visayas police chief mula pa noong Marso 2023.

Pinalitan nito si Maj. Gen. Sidney Hernia, na nasa administrative relief at iniimbestigahan dahil sa mga isyu kaugnay sa raid ng NCRPO sa isang umano’y scam hub sa Manila.

Inakusahan si Hernia ng extortion ng mga dayuhan kasabay ng operasyon.

Itinanggi naman ito ni Hernia.

Dahil dito ay pinatawan ng 10-day relief order si Hernia na epektibo noong Nobyembre 7, at pinalawig pa hanggang Nobyembre 22.

Naging NCRPO chief lamang si Hernia noong Oktubre 9.

Samantala, sa kautusan din ni Marbil ay natuloy na inilipat si Hernia sa Area Police Command for Southern Luzon simula rin ngayong araw. RNT/JGC