Home METRO 2 pulis sa Bulacan sibak sa mga pumugang detainee

2 pulis sa Bulacan sibak sa mga pumugang detainee

MANILA, Philippines – Sinibak sa pwesto ang dalawang pulis kasunod ng pagpuga ng walong detainees mula sa San Jose del Monte Police Station.

Ayon sa lead investigator ng kaso, ang dalawang pulis ay nasa kustodiya na ng San Jose del Monte City Police.

“Nasibak na po ‘yung dalawa, under admin holding or restrictive custody sila habang gumugulong investigation. Isa pong senior master sergeant at isang master sergeant,” saad sa pahayag ni Master Sergeant Rod Pating.

Matatandaan na iniulat ang pagtakas ng walong persons deprived of liberty sa pasilidad alas-3 ng umaga ng Linggo, Hunyo 2.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakatakas ang walong PDL sa pamamagitan ng bintana sa banyo kung saan nilagari ang grills nito.

Nahuli na ang apat na pugante habang patuloy pa ring pinaghahanap ang apat iba pa. RNT/JGC