Home ENTERTAINMENT Sequel ng Bona, kinakasa na!

Sequel ng Bona, kinakasa na!

Manila, Philippines- It’s worth the wait.

Makaraan ang 44 taon, inihahanda na ang sequel ng pelikulang Bona topbilled by Nora Aunor.

Ang Bona, shown in 1980 and directed by National Artist Lino Brocka, ay ipinalabas muli sa Cannes Film Festival.

Sa payo ng kanyang doktor, gustuhin mang dumalo ni Nora sa classic screening nito’y hindi maaari.

Gayunpaman, umani ng dumadagundong na applause mula sa ating mga direktor ang Bona kabilang na si Joey Reyes, kasalukuyang FDCP Chairman.

Bata pa raw noon si direk Joey nang mapanood ang pelikulang tampok din si Phillip Salvador bilang Gardo, isang bit player.

Bukod kay Reyes, napanood din ito noon ni direk Adolf Alix Jr. sa VHS bagama’t malabo ang kopya.

Si direk Adolf ang mamamahala ng sequel, that follows the story of Bona na isang masugid na tagahanga ni Gardo.

Bona was produced by Nora herself, then 27 years old.

Ani direk Adolf, si Nora rin ang gaganap 44 years later.

Sa katunayan, pinag-uusapan na nina Nora at direk Adolf ang daloy ng kuwento.

Maging si Nora rin daw ay may mga input sa gagawing sequel na ngayong taon nakatakdang simulan ang filming.

Unang pelikula rin ni Ruby Ruiz, then 17, ang Bona noong baguhan pa lang siya sa PETA.

Hindi tiyak kung sino pa sa orihinal cast ang kabilang sa sequel bukod kay Nora. Ronnie Carrasco IIi