Home ENTERTAINMENT KathDen, mag-MU na!

KathDen, mag-MU na!

Manila, Philippines- Tila gusto nang kumawala ni Ogie Diaz sa ‘di niya kagandahang reputasyon bilang Poon ng mga Showbiz Hiwalayan.

For a change, kapansin-pansin ang mga ibinabalita niya sa kanilang Showbiz Update online show.

Kabaligtaran kasi ito sa mga nakasanayan nang celebrity separations, mapa-married man o magkasintahan.

Ang latest, the talent manager cum content creator broke the freshest development involving Kathryn Bernardo and Alden Richards.

As if to lend credence to his story, ikinowt ni Ogie ang kanyang very reliable source.

Bilang pasintabi muna ni Ogie: “O, eto lang naman ang nasagap ko sa my very reliable source…na sina Kathryn at Alden ay…”

“Ay ano, ‘Papa Ogs?”” ang sabay-sabay na hirit ng mga co-hosts niya sa programa.

At du’n na nga kinumpleto ni Ogie ang kanyang pangungusap.

Patuloy niya: “Na ito ngang sina Kathryn at Alden ay may ‘MU’ na, as in mutual understanding!”

From hereon ay pasasaan daw ba’t mas lalo pang uusbong ang kanilang MU until it evolves into a fully developed romance.

Minsan nang nabanggit na madalas si Alden sa bahay ni Kathryn.

And for a guy to hang around a girl’s house ay malinaw kung ano ang hangarin ng lalaki.

Nasagap din ni Ogie from his source that as far as Alden is concerned, he possesses the qualities of an ideal boyfriend.

Dahil dito, natitiyak na raw ang kahahantungan ng MU ng KathDen, saan pa kundi sa relasyon?!

Hindi naman maiwasang may ilang netizens who play devil’s advocate sa latest development na ibinahagi ni Ogie.

Kalat nang may November playdate ang sequel ng kanilang Hello Love Goodbye, ang Hello Love Again.

Huwag naman daw sanang napakaagang promo gimmick ito for the KathDen reteam-up.

In short, huwag i-hype nang sobra ang pagkakamabutihan nila to the point of being OA!

“Huwag OA para OK!” sey ng ilang netizens. Ronnie Carrasco III