MANILA, Philippines – Natagpuang-patay ang 40-anyos na lalaki sa Purok Paglaum, Barangay Ibabao sa Cordova, Cebu nitong Lunes, Hunyo 3.
Ang biktima ay kinilalang si George Manatad Serafin, residente ng Lower Sun-ok, Brgy. Ibabao ng kaparehong bayan.
Batay sa imbestigasyon ng Cordova Police Station, tumawg sa kanilang opisina ang isang concerned citizen para ireport ang natagpuang patay na lalaki sa lugar.
Sa pagresponde sa crime scene, nakita ng pulisya ang biktima na may tama ng bala ng baril sa ulo partikular na sa kanang mukha nito.
Agad na kinordonan ng mga pulis ang lugar at humingi ng tulong sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para suriin ang crime scene.
Narekober ang bala at piraso ng green lighter.
Dumating na rin ang mga kaanak ng biktima na positibong kinilala ang pagkakakilanlan. RNT/JGC