Home ENTERTAINMENT Relasyon nina Coco at Julia, lantaran na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Relasyon nina Coco at Julia, lantaran na!June 3, 2024 16:19 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Mamila, Philippines- Pamilya na rin ang turing ng side ni Coco Martin sa rumored girlfriend nitong si Julia Montes.Sabi nga, extension ng iyong partner ang mga tao he or she holds dear.And once you’ve established closeness with them, you automatically become part of your partner’s family.This is exactly what’s happening to Julia who has endeared herself to Coco’s loved ones.Kabilang dito ang kaanak ng aktor, si Lola Matilda.What a coincidence, malapit din si Julia sa kanyang sariling lola.In fact, ang kanyang lola ang kumumbinsi sa kanya to try showbiz dala na rin ng kahirapan noon.May in-upload na litrato si Julia sa social media, kung saan nasa likod siya ng naka-wheelchair na si Lola Matilda.Nagpasalamat si Julia sa isang Dr. Mark Tan of a rehab facility.Post ng aktres: “Lola Matilda had a synolis hyalunoric acid injection to provide lubrication to her knee joints for better movement. Thank you!”Umani ng positive comments ang post na ‘yon ni Julia na mistulang private nurse ng lola ni Coco.Kasabay nito’y pinapurihan si Julia kung gaano kasuwerte si Coco sa kanya.Imagine nga naman, magaling nang magluto’y maalaga pa!But wait, let’s all remember na to this day ay hindi pa umaamin sina Coco at Julia sa kanilang relasyon.Ito’y sa kabila ng ‘di mamatay-matay na balitang dalawa na umano ang bunga ng kanilang pagmamahalan.But need they make a public confession when things are pretty obvious between them? Ronnie Carrasco III