Home METRO 2 pulis sa Isabela, nagpaanak ng buntis

2 pulis sa Isabela, nagpaanak ng buntis

PALANAN, Isabela – Dalawang pulis ang hindi matatawarang pagbibigay serbisyo publiko matapos magpaanak ng kabuwanan ng isang ginang na buntis habang sila’y papunta sa kanilang operasyon o pagresponde sa Barangay Jacinta, Palanan, Isabela.

Habang papunta sana sa isang police operation sa Barangay Sta. Jacinta sina Pat. Selvino S Argonza at Pat. Michael R Eduardo dakong alas-6:50 ng umaga, nang may makasalubong silang babae na nanganganak sa daan na nangangailangan ng tulong upang mailabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Hindi nagdalawang isip ang dalawang pulis na tulungan ang ginang upang manganak at mailabas ang sanggol.

Sa tulong ng kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO Palanan, Isabela at nasabing mga pulis ay nailabas nang ligtas ang sanggol sa sinapupunan na kinilalang si Ginang Alwina M. Espinosa.

Matapos na mailuwal ang sanggol ay agad na hinatid si Espinosa kasama ng kanyang bagong silang na sanggol lulan ang mobile patrol car ng pulisya patungo sa Rural Healt Unit o RHU Birthing Center upang sila’y mabigyan ng agarang medikal.

Dahil dito, labis na nagpapasalamat si PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa hanay ng Palanan Police Station na tunay na maipagmamalaki sa kanilang ipinamalas na pagtulong at pagtugon sa anumang oras na pangangailangan.

Ipinagmalaki pa ni PCol. Bauding na hindi lang pagpapalaganap at pagminintina ng kaayusan ang trabaho ng pulis kundi sa lahat ng pagkakataon na may nangangailangan ng agarang tulong. Rey Velasco

Previous articleEconomic experts, business groups imbitado sa Cha-cha hearing ng Senado– Angara
Next articleMalasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino