Home METRO 2 rider patay sa bangga ng Montero sa Cavite

2 rider patay sa bangga ng Montero sa Cavite

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang motorcycle rider matapos maaksidente sa General Mariano Alvarez, Cavite nitong Linggo, Hunyo 30.

Ayon sa ulat ng Region 4A police, binabagtas nina Danlie Barbuco, 26, at Daisy Duaso, 30, back rider nito, ang Congressional Road sa Barangay Poblacion 1 bandang 3:46 ng hapon nang banggain ito ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Jesus Prelligera.

Tumilapon mula sa motorsiklo ang dalawa at sinagasaan pa ng Mitsubishi Montero.

Nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga biktima na dahilan ng kanilang kamatayan.

Nasa kustodiya ng pulisya si Prelligera at nahaharap sa kasong kriminal. RNT/JGC