Home NATIONWIDE 116 patay sa stampede sa Hindu gathering sa India

116 patay sa stampede sa Hindu gathering sa India

INDIA – Umabot sa 116 katao ang nasawi sa stampede sa isang Hindu religious gathering sa Uttar Pradesh state, India.

Sa police report, nasa 250,000 katao ang dumalo sa event na triple sa 80,000 kalahok na pinayagan ng mga organizer.

Nitong Miyerkules, ilang oras matapos ang event ay naabutang nakakalat na ang mga damit at sapatos sa putikan sa isang open field na venue ng gathering.

“Everyone –- the entire crowd, including women and children –- all left from the event site at once,” ayon kay police officer Sheela Maurya, 50, na naka-duty nitong Martes kung saan inasahang maghahatid ng sermon ang sikat na Hindu preacher.

“There wasn’t enough space, and everyone just fell on top of each other.”

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng stampede.

Samantala, sinabi ni Chaitra V., divisional commissioner ng Aligarh city sa Uttar Pradesh state, na nagsimula ang panic nang “attendees were exiting the venue when a dust storm blinded their vision, leading to a melee”.

Iba naman ang sinabi ni Uttar Pradesh Chief Secretary Manoj Kumar Singh kung saan nagpumilit na lumapit sa preacher ang mga worshipper.

“I am told that people rushed to touch his feet and tried to collect soil, and a stampede took place,” sinabi ni Singh.

“Many people fell in a nearby drain”.

Sa 116 nasawi, halos lahat ay mga babae. Mayroon namang pitong bata at isang lalaki ang nasawi. RNT/JGC