Home NATIONWIDE Pangalan ng DOH, planong palitan

Pangalan ng DOH, planong palitan

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Health Secretary Ted Herbosa na isama ang terminong “wellness” sa pangalan ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang mensahe sa media, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na ang suhestyon ng kalihim na palitan ang pangalan ng ahensya na “Department of Health and Wellness” ay isang “sound idea” at pag-aaralan pa.

“The proposal to rename the Department is a sound idea floated by the Secretary, anchored on a broad understanding of the ultimate goal of public health,” sabi ni Domingo.

Sinabi pa ni Domingo na ang World Health Organization (WHO) charter ay tinutukoy ang kalusugan bilang “isang estado ng kumpletong pisikal, mental at panlipunang kagalingan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o kahinaan.

“That is the essence of wellness,” sabi ni Domingo. Jocelyn Tabangcura-Domenden