Home METRO 2 SHS studes tiklo sa buy-bust

2 SHS studes tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines- Nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang menor-de-edad na senior high school students habang nasa kustodiya ng pulisya ang isa pa nilang kasamahan makaraang maaresto ang mga ito sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang dalawang estudyante na sina alyas ‘Artek,’ 16, alyas ‘Waldi,’ 14, at alyas ‘Bugoy,’ pawang residente ng nasabing lugar.

Dakong alas-2:40 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon kung saan nakipagtransaksyon ang mga suspek sa poseur buyer ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Gen. Trias CPS sa naturang barangay, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 2.80 gramo na may street value na P338 at narekober ang buy-bust money. Margie Bautista

Previous articleTeachers’ groups sa DepEd: Catch-up Fridays ipatigil
Next articleArrest warrant vs Quiboloy pinabubuksan ng California judge