MANILA, Philippines- Nanawagan ang dalawang teachers’ groups sa Department of Education (DepEd) na suspendihin at busisiin ang implementasyon ng “Catch-up Fridays,” na nagtatakda ng isang araw sa school week upang tutukan ang pagpapahusay sa reading skills ng mga mag-aaral na Pilipino at kanilang academic performance.
Mahigit isang buwan mula nang ipatupad ang inisyatiba sa lahat ng basic education public schools sa buong bansa, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ang mga guro ang nahihirapan sa karagdagang trabaho sa paghahanda at implementasyon ng Catch-up Fridays.
“Due to the lack or insufficiency of books or materials, teachers are forced to spend on photocopying reading materials,” pahayag ng grupo.
“Instead of regular classes during this time and preparing for upcoming exams, schools were transformed into Reading Hubs every Friday, with teachers solely focused on reading activities. Regular classes were suspended,” giit ng ACT.
Ayon sa ACT, dapat iayon ang intervention programs ng DepEd upang tugunan ang learning crisis sa individual needs ng mga estudyante.
“Therefore, Catch-Up Fridays should be halted, and consultations should precede any further action,” dagdag nito.
Samantala, iniahyag ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) chairperson Benjo Basas na hindi dapat madaliin ng DepEd ang implementasyon ng programa dahil maaari itong magdulot ng mas maraming problema sa education sector, sa halip na resolbahin ang learning losses sa mga mag-aaral.
Kahit na kinikilala na kinakailangan ang ganitong uri ng interbensyon, inamin ni Basas ana nagdulot ang Catch-up Fridays ng mas mabigat na “stress” sa ilang guro ahil sa mga problema sa schedule at financial burden nito.
“Sa tingin natin mga kapatid, mukhang kailangan nating i-review itong Catch-up Fridays. Ang sinasabi natin sa TDC, nagkakaisa tayo sa consensus, hindi natin kailangan itong Catch-up Fridays, with due respect sa ating DepEd, in particular Curriculum and Teaching Strand,” wika niya.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang DepEd ukol dito. RNT/SA