Home NATIONWIDE Diving destinations sa Region 1 ibibida ng Marcos admin

Diving destinations sa Region 1 ibibida ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes ang plano ng pamahalaan na palakasin ang promosyon ng diving destinations sa Region I. 

”We are now planning to — here in Region 1, planning  to reassess, to promote the various dive destinations naman [in] the provinces such as Pagudpud, Badoc, and Currimao,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng tourist rest area sa Pagudpud, Ilocos Norte.

”And we could not have a better proponent for that than our Secretary (Christina Garcia Frasco) who comes from Cebu, one of the best, if not the best, dive destinations in the world,” dagdag ng Pangulo.

“And she herself is a diver so she knows exactly how it’s supposed to work.” 

Sinabi pa ni Marcos na patuloy ang ugnayan ng local government units, Department of Tourism, at ng Department of Environment and Natural Resources sa pangangalaga sa protected areas tulad ng Kalbario–Patapat Natural Park.

Pagdating sa preserbasyon ng cultural legacy ng Ilocos Norte, dine-develop din ng mga kaukulang ahensya ang Ilocos at Pangasinan Regional Historical Trail, ani Marcos. 

”As we anticipate the influx of tourists in the area, we are building more facilities to accommodate more visitors here in our province,” wika ng Punong Ehekutibo.

”We started the construction of the Ilocos Norte Transportation Hub in February of this year. Once completed in 2025, we anticipate that the intermodal terminal will ease [city] traffic control [and] connect transportation modes seamlessly,” patuloy niya. RNT/SA