Home NATIONWIDE State crop insurer ibinalik sa DA

State crop insurer ibinalik sa DA

MANILA, Philippines- Opisyal nang ibinalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa Department of Agriculture (DA).

Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng isang Executive Order (EO) para rito.

Matatandaang September 2021 nang ilipat ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang PCIC sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Finance (DOF) upang epektibong magampanan nito ang mandato na magbigay ng insurance protection sa mga magsasaka.

Makaraan ang tatlong taon, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order  No. 60 na nag-aatas na ibalik ang state crop insurer sa ‘original parent agency’ nito.

“The PCIC is hereby attached to the DA for policy and program coordination,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa EO No. 60.

Sa kabilang dako, nilikha ang PCIC noong 1995 bilang government-owned or -controlled corporation (GOCC) na may tungkuling magbigay ng insurance protection sa mga magsasaka laban sa mga pagkalugi dahil sa “natural disasters, plant diseases at pest infestation.”

Ang GOCC ay orihinal na naka-attach sa DA.

Sa pagbabalik ng PCIC sa ilalim ng DA, binigyang diin ng Chief Executive ang pangangailangan para sa “strong organizational link between the PCIC and DA…to enhance agricultural insurance protection programs highly responsive to the needs of small farmers and fisherfolk and other agricultural stakeholders, with policies and programs aimed at ensuring food security and modernization of agriculture.”

Sa kabila ng pagbabalik ng PCIC sa Agriculture Department, naniniwala naman ang Pangulo na hindi na kailangan para sa Agriculture chief na maging isa sa nakaupo sa pitong pwesto sa state crop insurer’s board.

Inalis din ni Pangulong Marcos ang pwesto ng Finance chief at Government Service Insurance System sa PCIC board.

Samantala, ang PCIC at Land Bank of the Philippines ay mananatili sa crop insurer’s board.

“One board seat each is reserved for the Executive Director of the Agricultural Credit Policy Council of the DA and the representative of the private insurance industry —who will still be nominated by the Finance secretary,” ayon sa ulat.

“Moreover, three board seats, instead of just one, were assigned to representatives of the farmers sector,” dagdag pa rito.

Nakasaad sa EO No. 60 na ang appointment o designation ng PCIC board chairman ay kailangan na sumunod sa mga alituntunin sa ilalim ng GOCC Governance Act of 2011.

“We are pleased that the PCIC is back under the wings of the DA. This gives us the scope to assure farmers, livestock and poultry raisers, aquaculturists, and others in production-side so we could shield them from losses that may be caused by disasters, pests and diseases,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Winika naman ni Tiu Laurel na “the safety net provided by PCIC would hopefully encourage more Filipinos to engage in agriculture and create a new generation of farmers.” Kris Jose