Home METRO 2 sikat na online sellers pinagbabaril-patay sa Pampanga

2 sikat na online sellers pinagbabaril-patay sa Pampanga

162
0

MANILA, Philippines – Pinagbabaril-patay ang dalawang sikat na online sellers, malapit sa Mexico, Pampanga nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 4.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina
Arvin Dayrit Lulu at asawa nitong si Lerma Waje Lulu, kapwa residente ng Mabalacat City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumibiyahe ang mga biktima sakay ng kanilang sasakyan sa Barangay Santo Rosario nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang anak ng biktima.

Agad na nakatakas ang gunman patungo sa Jose Abad Santos Ave. at ang mga biktima ay agad na dinala sa ospital kung saan idineklara silang patay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Ang dalawang biktima ay kilalang distributor ng skin care products.

Nagsasagawa na ng dragnet operations at follow-up investigation ang mga awtoridad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here