Home NATIONWIDE ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo naghain na ng COC bilang senador

ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo naghain na ng COC bilang senador

127
0
Veteran Anchor Erwin Tulfo naghain na ng Certificate of Candidacy para sa Senador sa partido Lakas-CMD. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Tiniyak ni ACT-CIST Partylist Rep. Erwin Tulfo na bababa ito sa puwesto bilang Senador sakaling palarin na manalo sa darating na election kapag wala siyang nagawa o mapatunayan sa loob ng tatlong taon.

Ito ang kanyang inihayag sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) nitong Linggo ng hapon sa The Manila Hotel Tent.

“Kapag wala akong nagawa from 2025 to 2028 then I will stepdown,” anang mambabatas.

Inihayag din ng Kongresista na sumama o kasapin ng Partido Lakas CMD dahil nakikita na halos parehong ang kanilang adhikain na tumulong sa mga mahihirap at naaapi.

Inilatag din ni Tulfo ang plataporma gaya ng pag-prayoridad sa mga batas na para sa middle class.

Panahon na aniya para pakinggan ang kanilang hinaing gaya ng umento sa sahod, dagdag benepisyo at retirement benefits para sa mga nasa pribadong sektor.

Si Tulfo ay isa sa patuloy na nangunguna sa pre-election surveys at nasa lineup ng administration slate na Bagong Alyansang Pilipinas.

Pagdating naman sa isyu ng anti-political dynasty, sinabi ni Tulfo na ang taumbayan na ang bahala at handa naman silang sumunod sakaling magkaroon ng batas kaugnay dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here