Home METRO 2 sinisilip na persons of interest sa pagpatay sa Leyte barangay officials

2 sinisilip na persons of interest sa pagpatay sa Leyte barangay officials

MANILA, Philippines- Sinisilip ng mga awtoridad ang dalawang “persons of interest” (POIs) na maaaring nagsilbing lookout sa pagpatay sa barangay captain, kagawad at isang tanod sa bayan ng San Isidro sa Leyte, noong February 24, base sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na iniimbestigahan na ng San Isidro police ang dalawangPOIs, na hindi niya pinangalanan upang hindi makompromisyo ang umiiral na imbestigasyon.

“Aside from the four gunmen who were directly involved in the shooting incident, they are looking at the possibility that two others might have served as a spotter,” pahayag ni Fajardo.

Inamin niya na sa kasalukuyan ay wala pang leads ukol sa pagkakakilanlan o kinaroroonan ng apat na gunmen.

Bagama’t hindi niya inilahad ang ibang detalye ng imbestigasyon, inihayag ni Fajardo na tinitingnan nila ang politika bilanbg posibleng motibo sa pagpatay sa mga biktima, na nauna nang kinilala na sina barangay chairman Elizalde Tabon, barangay councilor Paulo Al Mendero, at barangay tanod Rusty Salazar.

Batay sa mga naunang ulat, nasa loob ang tatlong biktima ng barangay hall ng Daja Diot nang sumulpot ang apat na armadong kalalakihan at pagbabarilin sila.

Sugatan naman ang isa pang tanod, kinilalang si Alex Bacor, na nakatayo sa labas ng barangay hall nang maganap ang krimen. RNT/SA

Previous articleMurang NFA rice tatalupan sa Senado  
Next articlePasabog ni Annabelle, ‘supot’!