Home NATIONWIDE Murang NFA rice tatalupan sa Senado  

Murang NFA rice tatalupan sa Senado  

MANILA, Philippines- Sinabi ni Sen. Cynthia Villar nitong Biyernes na iimbestigahan ng Senado ang mga alegasyong nagbenta ang National Food Authority (NFA) ng libo-libong tonelada ng bigas sa ilang traders sa presyong lugi ang gobyerno.

“Mag-iinvestigate kami dyan, kasi I have personal experience with regards to that kaya hindi ako happy dyan,” aniya sa isang panayam.

Nang tanungin kung mayroong “mafia” sa NFA, sinabi niyang hindi na ito bago.

“Matagal na yon, its not a new findings, di ba kaya ko pinasa ang Rice Tarrification Law, kasi sila ang nagiimport ng rice exclusively and then nakikipag-conbive sila sa cartel kaya tinanggal namin ung power to import sa kanila, they have only the power to buy from the local farmers at niliberalize yung importation of rice,” anang senador.

Pahayag niya, ibinebenta umano ng NFA ang bigas sa traders at dealers, na dapat ay sa mga taong nangangailangan nito.

“You should sell to the people na nangangailangan, kasi subsidized ng governmentt yan, mura, hindi yan ibinibigay sa trader, binibigay yan sa mga tao. Para makamura ung mga tao, yung mahihirap, makabili sila ng rice na mura,” patuloy niya.

“Mali yun, that’s against the law,” giit pa ni Villar.

Ipinag-utos naman ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang masusing imbestigasyon sa usaping ito.

Lumikha rin siya ng panel of investigators upang talupan ang mga alegasyon na pinayagan umano ng ilanh NFA officials ang pagbebenta ng milled rice na nakatago sa warehouse ng ahensya sa presyong P25 kada kilo nang walang bidding at matapos bumili ng butil ng palay sa halagang P23 kada kilo. RNT/SA

Previous articleTensyon sumiklab sa Barangay West Rembo
Next article2 sinisilip na persons of interest sa pagpatay sa Leyte barangay officials