Home ENTERTAINMENT Pasabog ni Annabelle, ‘supot’!

Pasabog ni Annabelle, ‘supot’!

Manila, Philippines- Three days ago ay ginimbal ni Annabelle Rama ang social media sa kanyang banta.

Particularly on Facebook, inamin ng palabang showbiz mother na nasa war path siya.

Uminit daw kasi ang ulo niya sa hinuhulaang kapwa babae ring kaaway.

Ayon sa kanyang post, gusto raw niyang manampal at manabunot.

That was three days ago.

Kinabukasan ay inabangang muli ng mga netizens ang post ni Annabelle dahil nangako siyang papangalanan niya ang aniya’y “nagmamalinis na akala mo kung sinong santa maniac!”

Pero disappointed ang mga abangers na netizens dahil naudlot ang pasabog ni Annabelle.

Mali rin ang hula ng mga ito na patungkol ang bantang ‘yon sa kanyang estranged daughter-in-law na si Sarah Lahbati.

Someone close to the Gutierrez family cleared Sarah out of the issue.

Kung hindi si Sarah, sino ang trip sampalin at sabunutan ni Annabelle?

Sabi na lang ng malapit sa kanyang pamilya, humupa na raw ang galit ni Annabelle.

Nakapag-usap na raw si Annabelle at ng taong ‘yon, hence no slapping and hair-pulling took place!

Imagine a bomb na naka-set nang sumabog pero “supot”! Ronnie Carrasco III

Previous article2 sinisilip na persons of interest sa pagpatay sa Leyte barangay officials
Next articleNAIA pinaiinspeksyon kasunod ng nag-viral na surot, daga sa mga terminal