Home METRO 2 SK chair naluklok sa pamamagitan ng coin toss

2 SK chair naluklok sa pamamagitan ng coin toss

MANILA, Philippines – Naluklok sa pamamagitan ng coin toss ang dalawang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa dalawang barangay sa lalawigan ng Aurora at Zambales matapos na magresulta sa pagkakatabla sa halalan.

Sa best-of-three coin flips, pinaboran ng kapalaran si Alex John Agabao laban kay Noriel Torre sa SK chair race sa Barangay 7, Casiguran, Aurora.

Parehong nakakuha ng 52 boto ang dalawang SK candidates.

Ang proklamasyon kay Agabao bilang bagong SK chairman ay kaagad na ginawa pagkatapos ng coin toss.

Katulad din ang nangyari sa SK chairperson race sa Barangay San Guillermo, San Marcelino, Zambales.

Nagkasundo ang mga SK candidate na sina Jenelyn Dalit at Jemimah Faith Gongora na resolbahin ang deadlock sa pamamagitan ng isang beses na coin toss.

Si Dalit, isang re-electionist, ang pumili sa head side habang ang kanyang kalaban na si Gongora ay pinili ang tail side.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang pagkakatali ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng pagguhit ng palabunutan o paghahagis ng barya. Santi Celario