Home ENTERTAINMENT Wax figure ni Lea sa Madame Tussaud, isusunod na!

Wax figure ni Lea sa Madame Tussaud, isusunod na!

Manila, Philippines – Target ng Madame Tussauds na isunod si Lea Salonga na gawan ng wax figure.

So far ay sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray pa lang sa hanay ng Filipino celebrities ang may wax figure na naka-display sa wax museum sa Hongkong.

Ang Merlin Entertainments, ang kumpanyang nasa likod nito, ay on the lookout sa iba pang tanyag na personalidad sa bansa para gawan ng wax figure.

Kung matutuloy, ang wax figure ng theatre veteran at Broadway legend na si Lea will be on display sa branch nito sa Singapore.

Ayon sa Merlin, nakipag-ugnayan na raw sila kay Lea.

Hinihintay lang daw nila ang response nito.

Bukod kay Lea, pinupuntirya rin ng Merlin ang fashion icon, socialite at aktres na si Heart Evangelista.

‘Yun nga lang daw ay mas prayoridad nila si Lea dahil anila: “Her global appeal warrants a wax figure.”

Kamakailan, Lea wrapped up the all-Filipino musical play Here Lies Love.

Ginampanan ni Lea ang papel bilang si Aurora Aquino, ina ni Ninoy.

Sa ilang run nito sa Broadway ay si Vina Morales ang napisil na maging bahagi ng nasabing produksyon. Ronnie Carrasco III