Home NATIONWIDE 2 solon umatras muna sa Quad Comm chairmanship

2 solon umatras muna sa Quad Comm chairmanship

Manila, Philippines – Pansamantala munang namahinga nina Laguna Rep. Dan Fernandez at Manila Rep Bienvenido Abante Jr. sa kanilang chairmanship sa Quad Comm matapos ang alegasyon pamimilit diumano sa ilang testigo sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara.

Kasunod ito ng alegasyon ni dating Mandaluyong City Police Chief Col. Hector Grijaldo na siya ay pinilit ng dalawang mambabatas upang kumpirmahin ang drug war reward system.

Kinumpirma ni Fernandez ang pansamantala nilang paglisan sa chairmanship ni Abante sa Quad Committee na nagpapatuloy sa pagdinig kaugnay sa drug war ng dating administrasyon, extra-judicial killing at iligal na POGO sa bansa.

“We will be trying to relief temporarily our chairmanship in order to discuss this in a transparent, impartial and honest investigation on this matter,” giit ni Fernandez.

Naunang ibinulgar ni Grijaldo sa pagdinig sa Senado na umano’y pini-pressure siya nina Fernandez, Abante, at mga abogado ni dating PCSO General Manager Royina Garma upang suportahan ang testimonya ni Garma na totoong umiral noong panahon ng administrasyong Duterte ang reward system sa kampanya ng iligal na droga.

Paglilinaw pa ni Fernandez na ang inisyatibong ito ay may layuning mapanatili ang integridad ng Quad Committee laban sa mga komentong ibinabato sa mga mambabatas kaugnay sa imbestigasyon ng apat na komite.

Si Fernandez ay chairman ng House Committee on Public Order and Safety samantalang pinamumunuan naman ni Abante ang House Committee on Human Rights. (Meliza Maluntag)