Home NATIONWIDE Sirit-presyo sa kerosene, LPG bawal sa mga lugar na nasa state of...

Sirit-presyo sa kerosene, LPG bawal sa mga lugar na nasa state of calamity – DOE

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Energy na epektibo ang kautusan ng Department of Trade and Industry na price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Paliwanag ni Oil Management Bureau Asst. Director Rodella Romero, sakop ng price freeze ang produktong kerosene at LPG.

Anila, kailangan ng labing limang araw ng mga ito bago maipatupad ang nasabing increase.

Pero ang diesel at gasolina ay hindi naman epektibo ng nasabing price freeze.

Ang naging pahayag ni Romero ay kaugnay ng nakaambang pag taas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. (Dave Baluyot)