MANILA, Philippines – NANATILING kanselado ang biyahe ng ilang commercial flights sa Northern Luzon matapos ang pananalasa ng bagyong Marce.
Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation of the Philippines dahil sa pananalasa ng bagyong Marce na makasasama sa maraming flights sa Northern Luzon.
Kasama sa kanselado ang flights ng PAL mula Manila patungo ng Basco, gayundin ang kanilang flight mula Basco patungo ng Clark.
Mahigit dalawang daan namang mga pasahero ang apektado ng flight cancellations.
Kinumpirma rin ng CAAP na kanselado rin ang flights ngayong araw sa Laoag Intl Airport matapos na magkaroon ng ilang pinsala sa paliparan.
Kabilang dito ang nabasag na glass panels sa terminal bldg ng airport, bukod pa sa mga bumagsak na puno at nasirang gutters.
Magkagayunman, tiniyak naman ng CAAP na walang airport personnel sa Laoag ang nasaktan.
Nananatili namang suspendedido ang operasyon sa Lingayen Airport,Vigan Airport, San Fernando Airport , Rosales Airport at Baguio Airport; ito ay bagamat wala namang naitalang pinsala sa naturang mga paliparan.
Sa kabilang dako, balik na sa normal ang operasyon sa Cauayan City at tuloy na ang paglapag ng commercial flights. (Dave Baluyot)