Home METRO 2 stude sa Zambo, nahulihan ng pellet gun sa iskul

2 stude sa Zambo, nahulihan ng pellet gun sa iskul

1
0

MANILA, Philippines — Nahulihan ng mga pellet gun ang dalawang junior high school students sa labas ng isang paaralan sa Zamboanga City.

Ayon sa kanila, ginagamit lamang nila ang mga ito bilang depensa laban sa mga umano’y namamaril sa mga estudyante sa labas ng eskuwelahan.

Sa isang ulat, makikita sa isang video ang isang estudyanteng nasa labas ng bakod ng paaralan na may hawak na dalawang pellet gun bago tinawag ang kaniyang kasama sa loob ng campus upang ipasok ang mga ito.

Nakumpiska ang mga pellet gun matapos iulat ng kapwa estudyante ang insidente sa pamunuan ng paaralan.

Ayon sa Grade 7 at Grade 8 students, pangdepensa lamang nila ang mga pellet gun laban sa mga taong umano’y namamaril sa kanila sa labas ng paaralan.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng paaralan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga baril at replica nito sa loob ng campus upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at iba pang kawani.

Sinabi ng principal ng paaralan na isinailalim na sa counseling ang dalawang estudyante at kanilang mga magulang. Naglagay na rin ng mga nagbabantay sa labas ng paaralan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here