Home METRO 2 sugatan sa salpukan ng SUV, motorsiklo

2 sugatan sa salpukan ng SUV, motorsiklo

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang Angkas rider at kanyang pasahero matapos sumalpok sa isang SUV sa Barangay Maytunas, San Juan City nitong Martes.

Base sa Eastern Police District (EPD), pa-norte ang direksyon at binabaybay ng Angkas rider at kanyang pasahero ang kahabaan ng Wilson St. nang biglang sumulpot ang isang silver Hyundai Tucson na minamaneho ng 70-anyos na babae sa patungo sa kanlurang direksyon sa kahabaan ng L. Gruet St., dahilan para magsalpukan ang dalawang sasakyan sa intersection ng dalawang kanto, na tumama sa kanang bahagi ng motorsiklo.

Dahil dito, tumilapon ang rider at kanyang pasahero na bumagsak sa kalsada.

Isinugod naman ang mga biktima sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan pinutol ang binti ng rider habang ang kanyang pasahero, na nabalian ng hita, ay kakabitan ng bakal sa apektadong bahagi ng katawan. Hindi naman nasaktan ang driver ng Tucson sa nasabing insidente.

Base sa mga pulis, naayos na ito at nagkasundo na ang tatlong partido. RNT/SA