Home NATIONWIDE Erwin Tulfo nanguna sa potensyal na 2025 senatorial election bets – sarbey

Erwin Tulfo nanguna sa potensyal na 2025 senatorial election bets – sarbey

MANILA, Philippines- Pabor kay ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang tiyansa na manguna sa May 2025 senatorial elections kung isasagawa ito sa survey period, ayon sa 2nd quarter of 2023 survey results ng OCTA Research.

Batay sa kopya ng survey results nitong Miyerkules, nanguna si Tulfo kung saan 73 porsyento ng mga Pilipino ang suportado siya.

Kasama ni Tulfo sa listahan ng mga posibleng magwagi ang mga kasalukuyan o dating miyembro ng Senado, ayon sa OCTA.

Pangalawa rito si Senator Christopher “Bong” Go na nakakuha ng 55 porsyento ng voters’ preference.

Ikatlo hanggang ika-apat naman si dating Senator Vicente “Tito” Sotto III sa 49 porsyento.

Samantala, nakakuha si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ng 44 porsyento, sa ikatlo hanggang ika-limang pwesto.

Pumwesto si Senator Imee Marcos sa ika-apat hanggang ika-anim, na mayroong overall voting preference na 43 porsyento.

Ika-lima hanggang ika-10 pwesto naman si dating Senator Manny Pacquiao na nakakuha ng 38 porsyento.

Kasama sa 6th hanggang 10th places sina Senator Pia Cayetano (37 porsyento), Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. (36 porsyento), dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (35 porsyento), at Senator Manuel “Lito” Lapid (33 porsyento).

Samantala, nakakuha naman sina dating Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senator Francis Tolentino ng overall voting preference na 26 porsyento (11th to 13th place) at 23 porsyento(11th to 15th place).

Kinompleto naman nina dating Vice President Noli De Castro, na may 21 porsyento (11th to 16th place), at Dr. Willie Ong at TV personality Willie Revillame, kapwa 19 porsyento (12th to 20th place), ang listahan.

Isinagawa ang “Tugon ng Masa” survey fieldwork mula July 22 hanggang 26, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na edad 18-anyos pataas. RNT/SA