Home NATIONWIDE BI naglabas ng alituntunin para sa entry, exit ng int’l travelers sa...

BI naglabas ng alituntunin para sa entry, exit ng int’l travelers sa Pinas

MANILA, Philippines- Naglabas ng guidelines o alituntunin ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga international travelers na papasok at lalabas ng bansa matapos maglabas ng desisyon ang Palasyo ng Malakanyang na alisin ang nationwide COVID-19 health emergency.

Ayon sa abiso ng BI, ang mga Inbound foreign tourist at temporary visitors ay dapat magpakita ng mga pasaporte na may bisa ng hindi bababa sa anim na buwan at/o isang balidong visa, maliban kung sila ay karapat-dapat sa visa-free entry.

Bukod pa rito, dapat silang magkaroon ng balidong tiket sa pagbabalik, maliban kung sila ay mga dayuhang asawa, mga anak ng mga bumalik na Pilipino, o mga dating mamamayan na may mga Balikbayan privileges.

Inihayag din sa BI na ang mga dayuhang imigrante at hindi imigrante ay kinakailangang magpakita ng kanilang ACR I-Card, maliban sa mga may hawak ng 9A visa (business) sa oras ng inspeksyon sa pagdating at pag-alis.

Pinaalalahanan naman ng BI ang mga ang mga paparating na Pilipino at dayuhang pasahero, gayundin ang mga tripulante ng eroplano, kasama ang mga papaalis na Pilipino, na magparehistro sa pamamagitan ng eTravel System (eTravel.gov.ph).

Gayunman, ang foreign dignitaries at ang kanilang mga dependent, gayundin ang 9E (mga dayuhang opisyal ng gobyerno), ay exempted sa electronic registration requirement. JAY Reyes