Home NATIONWIDE PNP naglabas ng moratorium sa tattoo removal policy

PNP naglabas ng moratorium sa tattoo removal policy

MANILA, Philippines – Naglabas ng moratorium ang Philippine National Police (PNP) na pormal nang binabawi ang implementasyon ng mga pamamaraan sa pag-aalis ng visible tattoos sa mga pulis.

“The Memorandum Circular 2024-023 is already in effect, the implementation of which will be placed on moratorium, effective immediately,” saad sa memorandum na may petsang Abril 30 na pinirmahan ni Maj. Gen. Sidney Hernia, pinuno ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, inatasan ni PNP chief Gen. Rommel Francsico Marbil ang DPRM na mag-isyu ng moratorium para magbigay-daan sa pagsusuri ng MC 2024-023 na nag-uutos sa mga uniformed at non-uniformed personnel na alisin ang kanilang mga visible tattoo.

“Doon sa sinasabi na moratorium, ang binaggit dito ay pinapa-review ng ating Chief PNP yung implementation with respect doon sa pagpapaalis particularly ng mga visible tattoos. At na-explain at naipaliwanag ito ng no less than the Chief PNP na to a certain degree, ang mga kapulisan ay may kailangan i-maintain ang disiplina, mga code of conduct, norms, different from the other government employees,” sinabi ni Fajardo sa isang press conference nitong Huwebes, Mayo 2.

Nais ni Marbil na suriin ang polisiya bago ang full implementation nito dahil sa health at medical issues na maaaring lumitaw sa pag-aalis ng tattoo, maging ang administrative sanctions na ipatutupad sa mga bigong susunod sa polisiya.

Inoobliga ng MC 2024-023 ang lahat n mga tauhan na may tattoos na magbigay ng written affidavit na nagdedeklara ng kanilang mga tattoo at pag-aalis sa mga visible tattoo.

Hindi naman sakop ng polisiya ang aesthetic tattoos. RNT/JGC