Home METRO Air quality sa paligid ng Mayon, maganda pa rin – EMB-5

Air quality sa paligid ng Mayon, maganda pa rin – EMB-5

3
0

ALBAY, Philippines – Tiniyak ng Environmental Management Bureau sa Bicol Region (EMB-5) na nananatiling “good” ang kalidad ng hangin sa mga komunidad malapit sa Mayon Volcano, kahit patuloy ang aktibidad nito.

Ayon kay EMB-5 Director Geri Geronimo Sañez, hindi pa umaabot sa “orange level” ang air quality sa rehiyon. May ilang lugar lamang na umabot sa “yellow” o fair level, gaya ng Mi-isi Gully, at nagbabago ito depende sa direksyon ng hangin.

Patuloy ang araw-araw na monitoring ng EMB sa mga lugar tulad ng Camalig, Guinobatan, Ligao, Legazpi, at Tabaco para sa particulate matter at sulfur dioxide. Ginagawa rin ang weekly water quality testing sa mga ilog para sa suspended solids, phosphates, at heavy metals tulad ng lead at cadmium, at pasok pa rin ito sa national standards.

Ayon sa air quality index, ang “good” ay 0–50, “fair” ay 51–100, “unhealthy for sensitive groups” ay 101–150, “very unhealthy” ay 151–200, “acute unhealthy” ay 201–300, at “emergency” ay higit 300.

Humingi rin ang ahensya ng dagdag na pondo para sa pagrenta ng real-time monitoring equipment na tinatawag na EBAM, na nagkakahalaga ng ₱113,000 kada buwan.

Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano. May naitalang lava flows na umaabot sa 3.8 km mula Basud Gully, 3.2 km mula Bonga Gully, at 1.8 km mula Mi-isi Gully. Naitala rin ang 30 volcanic earthquakes, kabilang ang 20 tremors at 185 rockfall events. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here