Home NATIONWIDE 2 sugatan sa sunog sa Caloocan

2 sugatan sa sunog sa Caloocan

224
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang indibidwal sa sumiklab na sunog sa Caloocan City nitong Huwebes ng hapon, Enero 22, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang sunog ay sumiklab sa Barangay 80 ng naturang lungsod at iniulat 12:37 ng hapon kung saan inilagay ito sa unang alarma makalipas ang tatlong minuto.

Itinaas ito sa ikalawang alarma pagsapit ng 12:56 ng hapon at idineklarang fire under control ng 1:08 ng hapon.

Tuluyan namang naapula ang sunog 1:36 ng hapon sa pamamagitan ng walong fire truck, isang rescue truck at ambulansya.

Iniulat ng BFP na dalawang lalaking volunteer ang nasugatan sa sunog.

Inaalampa ng BFP ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here