Home NATIONWIDE 2 sugatan sa sunog sa MaynilaNATIONWIDETOP STORIES 2 sugatan sa sunog sa MaynilaMarch 31, 2025 16:28 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang katao nang masunog ang ilang kabahayang sa Sta. Ana, Maynila nitong umaga ng Lunes, Marso 31.Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng first responder ang mga biktima.Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang mga kabahayan dahil malayo ito sa main road.Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan limang bahay ang nilamon ng apoy.Wala namang iniulat na nasawi sa sunog.Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ilang residente ang apektado gayundin ang kabuuang halaga ng pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden