ZAMBOANGA CITY– Dalawang sundalo ang sugatan sa isang aksidente at ninakawan pa ng kanilang mga baril habang walang malay sa Barangay Calarian nitong Huwebes, Hunyo 5.
Kinilala ang mga biktima na sina Army Corporal Juner Vally at Staff Sgt. Tiyamuat Alrasid, matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng kuryente at kalauna’y tumama sa bakod ng sementeryo.
Tatlong poste pa ang natumba sa insidente. Inaalam pa ng pulisya kung lasing si Vally sa oras ng insidente.
Inaalam din kung sino ang kumuha ng mga armas ng mga sundalo habang sila’y walang malay. Nasugatan ang dalawa at isinugod sa ospital.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente. Mary Anne Sapico