Home ENTERTAINMENT Derek, may bagong raket!

Derek, may bagong raket!

Manila, Philippines – Sabi nga, kung magtatayo ka rin lang ng negosyo, pillin mo na ang hilig ng iyong puso.

Ito rin ang panuntunang sinunod ni Derek Ramsay who recently put up his own business.

Take note, not just one but two!

Ito ‘yung golf apparel brand at indoor golf simulator.

Kilalang mahilig sa golf ang Fil-British actor kaya no wonder, ito rin ang line of business which he chose.

Kamakailan nga’y pinasinayaan ang ikalawang branch ng Alpha Elite na indoor golf simulator sa Green Sun Hotel sa Makati City.

Present during the ribbon-cutting ceremony were Cristine Reyes and Derek’s two business partners.

Guest celebrity ang drama ni Cristine as she’s also a VIP member of Alpha Elite sa Ayala Alabang branch nito.

Ayala Alabang is where Derek and wife Ellen Adarna stay.

Tila may downside nga lang ang pagpasok ni Derek sa kanyang bagong business venture.

Mukhang tinalikuran na talaga ng aktor showbiz, who was last seen in the MMFF 2023 entry Kampon. Ronnie Carrasco III