OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Sugatan ang dalawang sundalo sa engkwentro laban sa umano’y New People’s Army (NPA) sa Sitio Mamara, Barangay Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong Bagong Taon, ayon sa Philippine Army.
Ani 203rd Infantry Bantay Kapayapaan Brigade, naganap ang firefight habang nagsasagawa ng security operations ang mga tropa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Agad namang naibigay ang medikal na atensyon sa mga sugatang sundalo.
Walang ibinigay na detalye ang militar tungkol sa posibleng casualties ng NPA, na tinuturing nilang grupong terorista. RNT/MND