Home HOME BANNER STORY 2 suspek na nang-ambush sa Kyusi, tinutugis ng Pulisya

2 suspek na nang-ambush sa Kyusi, tinutugis ng Pulisya

82
0
via QCPD

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagtugis sa dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril na ikinasawi ng dalawang lalaki sa kahabaan ng Timog Avenue sa Quezon City.

Kinilala ang mga biktima bilang sina alias “Norberto,” 51, isang driver mula Cubao, at alias “Ceferino,” 75, isang negosyante mula UP Teachers Village East. Pareho silang idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center.

Sa imbestigasyon, isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority ang rumesponde matapos makarinig ng putok at natagpuan ang mga biktima sa loob at katabi ng puting Suzuki S-Presso. Tatlong tama ng bala ang natamo ni Norberto habang anim naman kay Ceferino.

Sa CCTV footage, nakita na ang mga salarin ay sakay ng matte blue at black na Yamaha Mio 125 at agad tumakas matapos ang insidente.

Narekober ng pulisya ang iniwang motorsiklo ng mga suspek sa Scout Rallos malapit sa Ybardolaza Street, na kasalukuyang sinusuri. Nakakuha rin ng mga basyo ng bala, deformed bullets, at fingerprints mula sa crime scene at sasakyan ng mga biktima.

May nakuha ring ebidensya mula sa motorsiklo tulad ng fingerprints sa dalawang helmet at side mirror, pati surgical mask at asul na bonnet na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek.

Sumasailalim na sa laboratory examination ang lahat ng ebidensya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo ng krimen.

Patuloy ang manhunt operations ng QCPD habang tinutugis ang mga suspek. Hinihikayat ang publiko na magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng E911, QC Helpline 122, o +63 998 598 7960 upang makatulong sa paglutas ng kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here