Home NATIONWIDE 2 suspek ng ‘rent-tangay’ timbog sa mga parak sa Malolos

2 suspek ng ‘rent-tangay’ timbog sa mga parak sa Malolos

Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal na umanoy hindi nagbalik ng kanilang nirentahang sasakyan sa lungsod ng Malolos nitong Hulyo 3.

Sa report ni PLT COL Rommel Geneblaso, Hepe ng Malolos police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas RJ, 49 at alyas JG, 52 kapwa residente ng Brgy. Mojon.

Ayon sa reklamo ng 33 anyos na real state agent, hindi naibalik ng mga suspek ang kanyang Toyota Vios na nirentahan noong Hunyo 29.

Nabatid na nadiskubreng tinanggalan na ng mga suspek ng GPS tracker ang nasabing sasakyan noong Hulyo 2 upang hindi matukoy ang lokasyon nito.

Nang tangkain ng biktima na bawiin ang sasakyan ay tumanggi ang mga suspek na makipatulungan at nagtangkang tumakas subalit agad silang naaresto ng mga pulis.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III