Home METRO 3 na tulak laglag sa buy bust ops

3 na tulak laglag sa buy bust ops

165
0

MAGUINDANAO DEL NORTE -LAGLAG sa mga awtoridad ang apat na hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos madakip sa isang isinagawang drug buy bust operation sa isang drug den sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang mga nahuling suspek sa mga alyas Kadiguia, 40; Aratuc, 35; George, 25; at Jibrel, 28, lahat ay residente ng Sitio Pangi, Barangay Taviran, DOS.

Tugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sinasabing mga drug den operator.

Batay sa report bandang 3:05 PM noong Miyerkules, Hulyo 2, sinalakay ng mga pulis ang drug den sa nasabing lugar.

Narekober sa mga suspek ang 2.016 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,708 base sa Dangerous Drugs Board Valuation, marked money, drug paraphernalia, cell phone, ID, at iba pang personal na gamit.

Nasa kustodiya ngayon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang mga suspek at inihanda ang mga kasong isasampa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here