Home NATIONWIDE 2 suspek sa panghoholdap sa babaeng rider sa Maynila, hinarap ni Yorme

2 suspek sa panghoholdap sa babaeng rider sa Maynila, hinarap ni Yorme

158
0

MANILA, Philippines – INIHARAP ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko ang dalawang naarestong suspek na nakuhanan ng video sa aktong hinoholdap ang isang babaeng rider, kung saan nag-viral ito sa social media, habang nakahinto ito sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District Station 1 ang dalawang suspek na kinilalang sina Moises Alpero, alyas “Moymoy,” 26 anyos, at Marlon Cabigting, alyas “Sagiab,” 37 anyos, na kapwa residente ng Barangay 123 sa Tondo.

Sa programang “Talk to the People” ng Manila Public Information Office, iniharap ni Domagoso ang dalawang suspek sa publiko bilang bahagi ng transparency at kampanya laban sa kriminalidad.

Naiiyak pa sa takot nang humarap ang biktimang si Patricia Lopez, residente ng Navotas City habang inilalahad ang kanyang karanasan sa kamay ng mga suspek.

Ayon sa biktima, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Pier 6 Road 10 (Mel Lopez Blvd.) kung saan siya ay hinarang ng mga suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Tinutukan umano siya ng patalim ng mga suspek at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at pera, dahilan upang labis siyang matakot at mawalan ng kakayahang makapanlaban.

Pinayuhan naman ni Yorme Isko ang complainant na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek upang mapanagot ang mga ito at maiwasang makapambiktima pa ng iba.

Samantala, tiniyak ng Manila Police District na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang operasyon laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod ng Maynila. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here