Home METRO 2 teenager tinangay ng alon; 1 patay

2 teenager tinangay ng alon; 1 patay

MANILA, Philippines- Dalawang teenager na naglalangoy sa isang beach resort sa Davao City ang inanod ng alon nitong Linggo ng hapon, kung saan isa sa kanila ang idineklarang dead on arrival sa ospital habang pinaghahanap pa ang isa.

Ayon kay Davao Police Chief Major Romeo Mapanao Jr., naglalangoy ang dalawang biktima sa isang beach nang anurin sila ng malalaking alon lampas alas-3 ng hapon nitong Linggo, batay sa ulat.

Isinugod ang 13-anyos sa kalapit na ospital kung saan idineklara siyang patay habang patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa 19-anyos niyang kasama.

Ani Mapanao, iimbestigahan ng mga awtoridad kung bakit pinayagan pa ring maglangoy ang mga biktima sa beach sa kabila ng malalaking alon dahil sa Habagat. RNT/SA