Home METRO 2 tiklo sa buy-bust ops sa Bataan

2 tiklo sa buy-bust ops sa Bataan

1
0

BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang dalawang drug suspek at masabat sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay News San Jose, Dinalupihan.

Sa report ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.ColĀ  Bjorn John Labos Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Et-et”, 43 anyos, may-asawa, construction worker na target sa operasyon at kasabwat nitong si alyas “Oly”, 35 anyos na kapwa residente sa naturang lugar.

Nadakip ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police.

Narekober sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na halos pitong (7) gramo na may standard drug price ng higit P47,000 at marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here